Know what you want. Make a commitment for it. Go get it.


Home » Archives » 09. March 2009

Eraserheads, McDonalds at Global na Krisis

March 9, 2009

Marami ang nakapaloob sa sikretong lenggwahe ng kapitalismo—silang may pambili ng McDonalds. Sa maraming hindi, sinasaad naman na ang tira-tira—ang pinaghalong kung ano-anong sobra at hindi lubos na nakain—ang posibleng modalidad ng pagkain pa rin ng fries. Pati ang nangangalakay ng supot ng basura sa McDonalds ay may afinidad sa sikretong lenggwahe. Wink-wink!

NI ROLAND TOLENTINO
KULTURANG POPULAR KULTURA
Bulatlat

Heto ang kwento ng komersyal ng McDonalds: dalawang bata nang sinauna, bitbit ng kanilang mga nanay, ang ginawang bahay ang McDonalds branch—naglalaro, nagkakantyawan, nagkakasiyahan. Babaeng bata ang agresibo sa tsopeng lalake. Flashforward sa kasalukuyan—segue-way ang holding hands ng batang babae ang batang lalake—matatanda na sila, naunang kinakaladkad pa rin ng babae ang lalake.

Sa playground area, ipakikilala ng babae ang lalake sa kanyang asawa. Makikisabay ang lalake sa mesa ng mag-anak. At ang secret language—ang pag-dip ng fries sa chocolate sundae—ang magsasaad na mayroon pa ring tagong pagmamahal ang lalake, at malamang ang babae, sa isa’t isa. First love never dies.
(more…)

Posted by adventurousscribe at 3:40 pm | permalink | Add comment

attempted robbery, item: dignity.

(reposted from another blogpost—written last october 2008)

if you are lucky, as i am, or as popular, and blessed, and admired (ahem ahem hehe) as i am, there would always be one, two or three or a minion even of individuals or maybe groups who would get jealous of you, and envy you with all the earned fame *gulongmunaakoparatumawa* and good fortune (haruuuu asaaaaan?)… in their desparation they would try the impossible, yet nonetheless try, with all their might, to rob you… not with your fame and fortune because they proved to be real pathetic and sorry they were not really born of it even if they would storm heavens of prayers and supplications day in and day out— and so instead, they’ll try to put you down and trample on you, well at least that way, if they did become succesful in the chosen career, then that could be their only key to be at par with you.

they allow themselves to accept their lost of dignity.
so they’ll try to rob you too out of it.

their folly? is that they had no real research on the nature of dignity. dignity is not a material thing that one dons on him/herself and strut on the battlefield of life. not a dress to take off when we sleep or not a dress to be kept in the dresser reserved for special occassions.
(more…)

Posted by adventurousscribe at 3:37 pm | permalink | Add comment

SEATMATE

Hindi ko akalaing magiging malapit tayo sa isa’t – isa. Pilit lang naman kasi ang pagiging seatmate natin ng sitting arrangement ni Mam. Malay ko ba kung gusto mo rin akong katabi.

Noong una, tahimk ka, maingay ako. Strictly studious ka, ako wala lang (pero may crude study habit ako kahit papano). Henyo ka, ako sensible lang (pwede mo nang pagtiisang kausapin kung nakikipag-usap ka nga sa iba bukod sa libro at notebuk mo). Nakakaintimidate ka, samantalang ako nakakapagboost ng ego ng iba dahil madali lang akong matalo.

Sabi nga ni pareng Charles Coulomb, “unlike charges attract each other”. Salamat sa teoryang ito dahil hindi nagtagal, naglapit din ang mundo nating dalawa na dati’y milya-milya ang layo sa likod ng magkadikit nating mga upuan.
(more…)

Posted by adventurousscribe at 3:04 pm | permalink | Add comment

Pasasalamat sa lahat! ^_^

muli’y napatunayan ko na naman na may hangganan din ang “haggard days”.

sa wakas at natapos na din ang paggawa ng final draft ng thesis. natapos na din ang foundation day. ang saya! Now, i’m free.

una sa lahat, ako’y nagpapasalamat sa angking katalinuhan at pang-unawa ng mga kapita-pitagang kagrupo ko sa thesis (special mention to darren) dahil sa hindi ako masyadong nakatulong sa paggawa nila dahil sa pagiging abala ko sa paghahanda para sa foundation day. dahil sa inyo, nabawasan ang hirap ng buhay ko. IDOL! sa susunod ulit. hehe. joke lang!

ito seryoso. galingan natin sa defense guys. go!
(more…)

Posted by adventurousscribe at 3:02 pm | permalink | Add comment

Panatang Makasarili

kakayanin ko anuman ang mangyari. mananatili akong matatag at ako’y magwawagi.

dapat kong tapusin ang mga sinimulan
sa likod ng pangambang baka ako ang mawala sa mundong pinasukan.
kakayanin ko anuman ang mangyari.mananatili akong matatag at ako’y magwawagi.

pinili ko ito, walang ibang nagtulak sa akin
ako ang may kasalanan kung bakit ako ngayon nahihirapan
walang ibang dapat sisihin kundi ang sarili ko
ngunit wala nang magagawa pa ang sisihin ang sarili ko
dahil nandito na ako, wala nang daanan pabalik sa nakaraan
ang tanging naiwan ay ang sangay-sangay ng daang pasulong
magpapatuloy ako sa pag-abante sa daan
kakayanin ko anuman ang mangyari.mananatili akong matatag at ako’y magwawagi.

wala na akong takas sa realidad ng mundo ko
di na tumatalab ang “wala akong panload” at “busy ako” sa mga taong humahanting sa akin
minsan ayoko na ding magising mula sa pagkakahimbing
sa tulog na nagsisilbing daan upang takasan ang mundong puno ng kontradiksyon
gusto ko nang umayaw, ngunit ayokong maging talunan ng buhay
kakayanin ko anuman ang mangyari.mananatili akong matatag at ako’y magwawagi.

minsan, naiisip kong ibahan ang daang tinatahak
ang maglakbay sa kagubatan ng buhay tulad ng dati
yung parang dati, yung parang dati.
komportable ang daan, kumbaga eh sementado
malilim, ligtas
malayo sa dinadaanan ko sa kasalukuyan
ang daang kung tawagi’y “the less travelled road”
nagiging manhid na kasi ako sa mga tinik, sa init,
hindi ko na iniinda ang hirap, wala na akong maramdaman
at alam ko sa sarili ko, hindi ito mabuti
baka mamatay na lang akong hindi nakararamdam ng sakit
ayokong sa huli’y yun ang mangyari sa akin.
wala mang paraan para atrasan ang mundong pinasok ko,
may mga taktikang magbabago nito.
mundong parang sa aking nakaraan, parang yung dati. parang yung dati.
kakayanin ko anuman ang mangyari.mananatili akong matatag at ako’y magwawagi.

sarili ko ang nagtulak sa akin upang lisanin ang kung ano ako sa nakaraan
sarili ko din ang siyang magdadala sa akin doon kung saan magtatagpo ang aking nakaraan at ang kasalukuyan
maraming sa akin doo’y nag-aabang, partikular na ang pamilyang siyang nagsilbi kong lakas sa aking paglalakbay
alam kong dapat akong magpatuloy sa pagtahak sa daang iyon para sa KANILA
ngunit may tanong na siyang laging sumasagi sa isipan ko.
kung ako ang tatahak sa daang para sa KANILA, sino ang tatahak sa daang para sa AKIN?
mahirap para sa akin, dahil aaminin ko, kahit na maraming dagok ay naging masaya ako
alam kong marami akong maiiwan, SILA na nagsilbing sentro ng buhay ko
pero kailangan kong sagutin ang tanong na KANILA o AKIN
alam kong kailangan NILA ako, pero kailangan KO din and pagkatao ko, higit pa ang pangangailangan ng PAMILYA ko sa akin.
Mas matimbang sa akin ang pangalawa, sapagkat hindi ko kayang talikuran ang aking PAMILYA
kakayanin ko anuman ang mangyari.mananatili akong matatag at ako’y magwawagi.

At sa gitna ng pamamaalam sa dating daanan
ay ang pangako ng hindi paglimot sa KANILA
Sapagkat naging parte sila ng kulay
Ng dibuhong tinataglay ng aking buhay
At ang paghingi ng pag-unawa sa pagpapasyang makasarili
makasarili. makasarili. makasarili. makasarili.
alam kong walang magagawa ang mga gabi ng pagluha para sa KANILA at sa AKIN
at makabubuti kung sarili ko muna ang siyang pag-ukulan ko ng panahon.
Sapagkat muli, darating ang araw na ako’y babalik
mas matapang, mas buo.
Sadya lang kasing mas kailangan ako ng pamilya ko.
Hinihingi ko ang KANILANG pag-intindi
kakayanin ko anuman ang mangyari.mananatili akong matatag at ako’y magwawagi.

Posted by adventurousscribe at 3:00 pm | permalink | Add comment