Halos tatlong taon din ang panahong lumipas na wala tayong komunikasyon. At ang naaalala ng kupas ko nang memorya ay isa ka sa mga mortal kong kaaway noong nasa hayskul pa tayo.
Inis na inis talaga ako sa iyo nun. Tanda ko pa nga nung kaupo kita sa first quarter nung fourth year pa tayo. Para tayong tubig at mantika, “completely immiscible”. Pareho tayong lagpas sa linya sa arrangement ng mga upuan dahil sa gawa nating gap. Magkalayo nga ang mga upuan natin pero lagi’t lagi pa rin naman tayong nagkakasagutan, nagbabangayan, nag-aaway. Walang humpay ang paglagay ng bag sa upuan-paglayo ng upuan mula sa isa’t isa-hindi pagkibo-paggawa ng pareho nating sariling mundo gamit ang gap ng mga upuan natin bilang boundary natin mula sa isa’t isa. At kapag nagkasalubong na ang ating mga mata, siguradong away na.
(more…)
Baliw daw at tanga ang nagmamahal sa bayan
Wala na raw mangyayari, habang panahon na lang
na malulugmok tayo sa kahirapan
Kahit kailan wala raw tayong magagawa, walang nagawa
Hindi tayo kailanman pakikinggan
dahil mahina tayo at mga mangmang
Sakit ng katawan lang daw ang hanap natin
perwisyo sa iba at karahasan.
Maraming pipigil sa atin, hahatak sa atin palayo -
mismong pamilya natin, mga kaibigan,
mga dating kasama
kaklase, mga guro
mismong ang masang ating inoorganisang
hindi pa lubos na nakauunawa
ang kaaway - pulis, militar
ang reaksyunaryong gobyerno, eskwelahan
ang simbahan, ang dayuhan
pati na ang mga sarili nating kahinaan
kung ating hahayaan.
Kung kaya nga’t
Sinesermunan tayo, sinisisi, iniiyakan
Hina-house arrest ng magulang
Nilalayasan ng asawa’t anak
Sinisipa sa eskuwelahan, tinatanggal sa trabaho
Sa rali, hinahampas ng batuta ng pulis, tinatadyakan
Sinasampahan ng gawa-gawang kaso
Pinagbibintangan ng terorismo
Sinisiraan sa media, pinaparatangan
ng kung anu-anong kasinungalingan
Sinusuhulan, pinipilit birahin sa ating mga kahinaan
Nililigawan ng militar, binabaliw ang kababaihan
Kinukulong, tinitiktikan,
Tinatakot, dinudukot
Ginagahasa, tinotortyur
at pinapaslang, pinapatay
sa iba’t ibang mararahas na paraan.
Maraming pipigil sa atin, hahatak sa atin palayo -
Pero walang dahilan para tumigil, bumitaw
hangga’t ang karapatan at katarungan
ay para lang sa iilan, hangga’t walang
pagkakapantay-pantay sa lipunan.
Kamatayan lang ang tanging dapat
makapaghiwalay sa atin sa kilusan.
AKTIBISTA, MAKAMASA, INTERNASYUNALISTA
pagninilay ni Goriong Putik
Bakit nga ba may aktibista, ang tanong ng karamihan. Sila raw ay nanggugulo lamang. Totoo iyon. Ginugulo nila ang gobyernong mali ang patakaran upang magwasto ito. Ginugulo nila ang mga kapitalistang manhid na walang pakialam na mas masarap pa ang kinakain ng kanilang mga alagang aso kaysa pagkain ng karaniwan nilang manggagawa.
May aktibista dahil may kawalang katarungan. Tutunganga na lang ba tayo kahit inaapi na ang ating mga kababayan at kapatid? O tayo’y kikilos upang sila’y sagipin? Patuloy ang teroristang demolisyon ng tahanan ng mga maralita, patuloy ang mababang pasahod sa mga gumagawa ng yaman ng kapitalista, patuloy ang pagtataboy sa mga vendors na naghahanapbuhay ng marangal, patuloy na naiinitan ng sikat ng araw ang mga napakasisipag na magsasaka ngunit nagkukulang sa pagkain ng kanyang pamilya, patuloy ang pagtaas taun-taon ng matrikula sa paaralan gayong karapatan at hindi negosyo ang edukasyon, patuloy ang pagtaas ng presyo ng gamot at pagpapagamot gayong karapatan ng bawat isa ang kalusugan, dumarami ang mga batang manggagawa habang walang trabaho ang matatanda, atbp.
(more…)