Baliw daw at tanga ang nagmamahal sa bayan
Wala na raw mangyayari, habang panahon na lang
na malulugmok tayo sa kahirapan
Kahit kailan wala raw tayong magagawa, walang nagawa
Hindi tayo kailanman pakikinggan
dahil mahina tayo at mga mangmang
Sakit ng katawan lang daw ang hanap natin
perwisyo sa iba at karahasan.
Maraming pipigil sa atin, hahatak sa atin palayo -
mismong pamilya natin, mga kaibigan,
mga dating kasama
kaklase, mga guro
mismong ang masang ating inoorganisang
hindi pa lubos na nakauunawa
ang kaaway - pulis, militar
ang reaksyunaryong gobyerno, eskwelahan
ang simbahan, ang dayuhan
pati na ang mga sarili nating kahinaan
kung ating hahayaan.
Kung kaya nga’t
Sinesermunan tayo, sinisisi, iniiyakan
Hina-house arrest ng magulang
Nilalayasan ng asawa’t anak
Sinisipa sa eskuwelahan, tinatanggal sa trabaho
Sa rali, hinahampas ng batuta ng pulis, tinatadyakan
Sinasampahan ng gawa-gawang kaso
Pinagbibintangan ng terorismo
Sinisiraan sa media, pinaparatangan
ng kung anu-anong kasinungalingan
Sinusuhulan, pinipilit birahin sa ating mga kahinaan
Nililigawan ng militar, binabaliw ang kababaihan
Kinukulong, tinitiktikan,
Tinatakot, dinudukot
Ginagahasa, tinotortyur
at pinapaslang, pinapatay
sa iba’t ibang mararahas na paraan.
Maraming pipigil sa atin, hahatak sa atin palayo -
Pero walang dahilan para tumigil, bumitaw
hangga’t ang karapatan at katarungan
ay para lang sa iilan, hangga’t walang
pagkakapantay-pantay sa lipunan.
Kamatayan lang ang tanging dapat
makapaghiwalay sa atin sa kilusan.
Kailanma’y huwag mong iisiping kasalanan ang maging makabayan.
Iyan ay tungkulin.
Tungkulin ng bawat isa. Ngunit nakalulungkot na iilan lamang ang nagsasakatuparan nito. At ang nakararami - binabatikos at isinusumpa pa.
Kung wala ang mga makabayan, paano na lamang ang bansang ito? Huwag na huwag kang panghihinaan ng loob. Maging matatag. Kailangang buwagin ang mapang-api, di makatarungan, di makataong sistema. Tayo’y maging tanglaw sa nangadirimlan nating mga kababayan.
Posted by salamisim at July 6, 2009, 1:30 pmAll comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.
Kasalanan bang maging makabayan?
Oo, kung ang bayan ay ang sarili.
Oo, kung kasalanan ang paggawa ng mabuti.
Oo, kung ang paggawa ng mabuti ay dahil lamang sa sarili.
Opo.
Posted by Swage at April 18, 2009, 3:19 pmKasalanan ang maging makabayan
Sa bayang sadyang mali.
Ang depinisyon ng mabuti.