Ayos na ako sa ganito
Ang umiwas lagi sa nangungusap mong mga mata
Ang manatiling tahimik sa nagtatanong mong damdamin
Ang limutin ang musmos nating pagkakaibigan
Ang hindi ka pansinin
Ang magkunwaring walang pagtingin sa iyo.
Mas mabuti na ang ganito
Ang magtago sa huwad na pangalan
Sa mga akdang gawa
Ang itago sa bawat linya ng
At hindi ibalot sa bawat salita
Ang damdaming nagpupuyos, nagliliyab.
DUWAG.
Mahal kita tulad ng pagmamahal ko sa pluma
DUWAG.
Marahil ganun nga ako kahina
Ngunit kung ang pag-ibig ay katumbas ng katapangan
At ang katapangan ay kailangan
Upang amining ang isang tao’y duwag
Matatawag bang pag-ibig ang duwag na pagmamahal?
Nangangahulugan bang ang duwag na pag-ibig ay katapangan?
Ako’y nag-iisip.
post pa po kayo ng madaming palaisipan
Posted by djoanna at November 26, 2009, 7:09 pmAll comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.
Naks. Tinamaan ako rito. Ako ay nakarelate…
Ako’y isa rin kasing DUWAG. Malaking DUWAG…
Subalit, tulad mo nga, ako rin ay nag-iisip… Ayos nga kaya tayo sa pananahimik, sa pag-iwas, sa pagkukubli ng ating nararamdaman?
Masakit itong ating ginagawa. Mahirap ang ikinukulong ang ating isinasaloob… Gaya nga ng wika nila, mas mainam nang sabihin mo ang kung anuman ang iyong emosyon sa isang tao, at bahala na kung ikaw man ay masasaktan; kaysa manahimik lamang at magsisi na di mo nasabi sa kanya kailanman… Ang kaso nga, madaling sabihin ang aral na iyon, ngunit mahirap isakatuparan… Ah…
Posted by salamisim at November 6, 2009, 5:36 pm