Superiority spells normalcy. Normalcy defines mediocrity. Mediocrity speaks weakness.
Who would love to be weak?
So don't patronize mediocrity. Resist the flow of normalcy. Be critical of the superiors.
Break the chain. Change the system. Be unique. Be strange.
Be free to live a life of independence!

Home » Post Item » pOiNtLeSs

pOiNtLeSs

July 6, 2009

            Ayokong mag-isip ng kung ano pa man. Bahala na kung san man ako dalhin ng velocity ng neurotransmitters ko habang kaharap ko ngayon ang monitor.

 

            Halos isang linggo din akong nawala sa sirkulasyon ng blogging (nothing’s new as usual). Isisi natin ito sa pagiging graduating student ko (at nananatili pa rin akong cautious to the highest level upang makaiwas sa threat of expulsion ‘til now). Kahit papano, gusto kong grumaduate. Kailangan kong iprioritize lagi’t lagi ang studies ko above all things. Kinakain ng pangangailangan kong magbasa ng mga med-surg buks ang oras ko para mag-isip ng mga bagay-bagay. Grabe talaga, I can’t resist the pressure. And I think I really have to make and give an important decision about that matter.

 

            Bumabalik din ang multo sa aking pagtulog, ang insomnia. Dala siguro ito ng matinding pag-iisip ko ng kung anu-ano. Kung sinuman ang nag-sabing walang kwenta ang pag-iisip ng kung anu-ano ay hinahamon ko ng away (hehe… war freak lang). Para sa akin kasi (opinionated?), mag-isip ka lang ng kung anu-ano at hindi tatagal, magiging sharp din ang brain cells mo. Huwag nating ikulong ang sarili natin sa dinidikta ng current educational system na dapat lang nating pag-aralan at pag-isipan. Besides, walang karapatan ang educ system na limitahan ang kagustuhang matuto ng mga kabataan. (Actually, wala akong balak mag-tibak mode sa post na ‘to pero these statements naturally came out of my mind.)

 

            Actually sa ngayon, medyo nagsisisi ako kung bakit ko pa pinangalandakan sa mga tao (at first, kunti lang sila, actually anim lang ang initial na nakakaalam ng blogsite ko) ang site na ito. Sa tingin ko kasi, dahil doon, nagkaroon pa ako ng social responsibility na laging i-update ang mga posts ko para sa kanilang convenience (kung convenient nga bang talaga sa kanila ang pagbabasa ng mga pinaglalalagay ko dito).

 

            Pinag-isipan ko talaga nang matagal noon kung ipupublicize ko ba siya. Tapos yun. As usual, solitary debate about the issue of art- selfish or purposive ang naging moda ko para sa pagdedesisyon kung dapat ko bang ipangalandakan ang blogsite na ito. At dahil nanalo ang art as purposive dala ng impluwensya ng paniniwala kong there’s no such art for art’s sake eh ito na nga siya ngayon.

 

           

 

           

             

 

           

Posted by adventurousscribe at 2:37 pm | permalink

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment