Nahihirapan ka ngayon pero mas nahihirapan sila. Ramdam mo sa ngayon ang naging epekto ng muntikan mo nang tuluyang pamamaalam sa nagsilbing buhay mo, ang iyong pamilya. Dama mo kung gaano sila nahihirapan. At nalilito ka ngayon kung dapat mo bang sisihin ang iyong sarili. Gusto mong umiyak.
Ngunit gaya ng nakalakihan mo na, heto ka muli at nag-aastang robot na naman, na wala sa bokabularyo mo ang salitang “emosyon”, na matatag ka dahil sa kagustuhan mong magsilbing lakas sa ngayo’y nanghihina mong pamilya.
Sa pag-alis mo namatay ang ilaw sa silid kung saan ka lumaki. At ngayong sa iyong pagbabalik, responsibilidad mo ang ilawan ang madilim na silid na ‘yon.
Alam mong walang magagawa kung magpapatalo ka sa mga problemang kinakaharap mo ngayon. Alam mong hindi makakatulong ang sisihin ang sarili mo o ang umiyak na lamang sa tabi. Hindi mo afford magsayang ng oras para sa mga ganung bagay. Hindi ka din ganun kayamanan upang madepress dahil wala ka nang pambili ng maraming chocolate at budget pang-travel.
Ang mahalaga’y tuluyan kang natututo sa buhay mo. Na hindi pa huli ang lahat. May magagawa ka pa. May pag-asa pa upang humingi ka ng tawad sa kanila sa paraang pagpapatunay mo sa iyong sarili na karapat-dapat ka sa pagpapatawad nila.
Now that you’ve returned, this is the ultimate challenge for you, to build a better future for your family.
Yes. You are not forced to do that by your parents. You are pressured to win that challenge by yourself. That has been the goal you’ve set and you need that for achieving your happiness.
Kakayanin mo yan. Go self-esteem!
Life is just a matter of choice and failure is none of those choices.
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.