Hindi na ako bata. Parang kailan lang noong masaya na ako sa simpleng handa at regalo sa Pasko.
Hindi na ako estudyante. Wala na ako sa probinsiya. Hindi na ang mga kapatid ko ang nakakabonding ko. Hindi na si Mama and nagluluto ng kinakain ko. Hindi na si Papa ang naghahatid – sundo sa akin.
Ito na ako ngayon. Nakatapos na. Nasa lungsod. May trabaho na ring matino kahit na paano. Nabubuhay ko na ang sarili ko. Independent kumbaga.
Ngunit malungkot.
Hindi madali ang mabuhay mag-isa malayo sa pamilya. Nakalulumbay na sa bawat pagtawa, masasayang kwentuhan kasama ang mga kapatid and naaalala. Sa tuwing nasa mesa ay ang hiling na sana’y dumating ulit ang araw na makakasama ang pamilya sa pagkain ng mga luto ni Mama. Naiiyak ako sa tuwing naglalakad mag-isa papunta at pauwi galing sa trabaho. Hindi ko na kasama si Papa na laging nagpapabaon sa akin ng pangaral at suporta upang harapin ang anumang naghihintay sa akin sa pupuntahan ko. Miss ko na ‘yung “Ingat ka lagi. Galingan mo!”.
At ang kalungkutang ito’y tumitindi habang papalapit ang Pasko.
Kung dati’y masaya akong nakakakita ng mga makikislap, kumikindat-kindat at makukulay na Christmas lights, ngayon hindi na. Hindi na ako natutuwa sa Christmas tree na hitik sa Christmas balls. Hindi na ako napapangiti ng mga parol na may bombilya sa loob.
Malungkot kapag first time mo magdiwang ng Pasko malayo sa pamilya.
Oo nga. Hindi na ako bata. Lilipas din ang Pasko. Mawawala din ang lumbay ko.
May aral sa bawat pagtangis. May tumatatag sa bawat pagluha.
Kapag naigpawan ko ang first time na ito, sa Pasko sa susunod na taon masasanay din ako. Lahat ng bagay sa buhay may first time. Ang lungkot na nararamdaman ko ngayong papalapit na ang Pasko ay gaya din ng lungkot noong una kong biyahe papuntang Manila, gaya ng unang lingo ko sa trabaho kung kailan bago sa akin ang lahat.
Kung tutuusin, hindi ko naman talaga kailangang maging malungkot. Maayos ang pamilya ko. Masaya ako sa trabaho. Nandiyan ang mga kaibigan kong laging nagrereply sa mga pag-e-emote ko sa text. Hindi nawawala ang Facebook na nagsisilbing leisure na para sa lahat; bata, matanda, estudyante at kahit na sa mga taong abala sa trabaho.
Hindi na ako bata.
Marahil ang Paskong ito’y may gustong ituro sa akin, ang mahanap ang kasiyahan sa pag-iisa. Naalala ko ‘yung isang Ingles na kasabihan, hindi mo maibabahagi ang kasiyahan sa iba hangga’t di mo siya nahahanap sa sarili mo. Sa pag-iisa sa darating na Pasko ako mas magma-mature.
Hindi lang ang pagkamit ng mga pansariling-interes ang pwedeng maging dahilan upang maging masaya sa Pasko. May mas malalim na kahulugan ang pagdiriwang ng Pasko. Ito ay ang magbigay pasasalamat sa Kanya sa buhay na meron ako ngayon at sa mga bagay na darating pa.
Nagpapasalamat ako sa lahat ng bagay sa buhay ko kasama na ang pagdiriwang ko ngayong Pasko nang nag-iisa. Maayos ang pamilya ko. Alam kong umaasa silang masaya ako kahit nasa malayo. At higit sa lahat, hindi distansiya ang pumuputol sa bigkis ng matatag na pamilya.
Hindi na nga ako bata.
Pasasalamat nang marami sa lahat.
Maligayang Pasko!
PASSION is what I had before
Living in the world of love
Of poems, of songs, of works of art
Shining with rays of optimism
This blares, reaches and touches lives.
SPIRIT kept me going
To create my art of life
On how to spread my wings
To fly and reach my dreams
Soar the heights my eyes had seen.
ADVERSITIES should they be called
Frustrations, loneliness from the battle
Of going against the wind when I flew
Pulled me, caught me, tied me
In the world where I lost everything
The light, I can’t see…
I, YES I…
It is within me
The force that could set me free
I realized, it’s all in the mind
NOW STAND…
GET FIXED.