Know what you want. Make a commitment for it. Go get it.


Home » Archives » December 2010

Huling Sulat

December 27, 2010

            Nasanay akong ikaw lagi ang nakakausap sa tuwing mag-isa. Nasanay akong ikaw lagi ang kasama sa aking pagtawa. Ngayon, kailangan kong sanayin ang sarili kong wala ka na.

            Muli, napatunayan kong hindi mo ako kilala at ganun din ang hindi ko pagkakakilala nang mabuti sa iyo. Alam kong hindi magtatagal ay magbabago din ang damdaming ibinahagi mo sa akin ngunit hindi ko inakalang ganun ‘yun magiging kabilis. Napakabilis.

            Isang burgis na damdamin.

            Ito na ang huling pagkakataong iisipin kita. Ang pag-alayan ka ng panahon. Ang mag-alala para sa ‘yo.

            Kasabay ng pagdampa ng aking panulat ay ang pag-alis ko sa iyo mula sa aking gunita. Gusto kong bumalik sa dati ang lahat. Ayoko nang maalala ka.

            Sa pagtatapos ng sulat na ito, pareho tayong magiging estranghero sa isa’t isa.

            Paalam.

 

Posted by adventurousscribe at 10:16 am | permalink | comments[4]

YOU

            Zenith is just how wonderful you are

            Happy I am when you seem to connect the sea and the sky

            Always be there where I can see you

            Kilometers can be our distance, I’ll always be amazed by you.

 

Posted by adventurousscribe at 10:13 am | permalink | Add comment

fLY

December 19, 2010

writer’s block

 

5 seconds…

            Tic, tac, tic, tac, tic

            Echoes the second hand of the wall clock

            Eating the silence of emptiness

            Of my room, of my mind.

 

5 minutes…

            Staring at the corners of my room

Daydreaming as I face the plain wall

Looking at the window

Peeps the smiling sun to say hello.

 

30 minutes…

            Oh! Sorry said I

            To the pen and paper in front of me

            And the paper got moistened

            A silence broken by melancholy

 

One hour…

            30 minutes more

            Of showing to my best friends

            How lonely and helpless I am

            Unable to hold them

            To make I, paper and pen as one.

 

Should I just say goodbye

FOREVER?

 

Posted by adventurousscribe at 10:36 am | permalink | comments[4]

Kaya pala


            “Kapag ako nabigo, katumbas nito’y dalawang beses ng kawalan ng pag-asa para sa kanila”.

            Ito madalas ang mantra ng mga dakilang ate/kuya/panganay/breadwinner, mga kapatid na matapang na humaharap sa mundong hindi kinalakihan dahil alam nilang sa kanilang pag-abot sa tagumpay nakasalalay ang magiging kinabukasan ng mga naiwan. Ang mga salitang ito ang nanghihikayat sa kanila upang maging matatag sa mga panahong sila na lang ang pwedeng asahan ng kanilang pamilya.

            Madalas nakikilala ang mga ate/kuya/panganay/breadwinner bilang palaban sa mga hamon ng buhay, career kung career at selfless.

            Si ate/kuya/panganay/breadwinner ang anak na laging masunurin. Nakikinig siya sa mga walang katapusang sermon ng mga magulang. Siya ang nahihingan ng pandagdag sa panggastos sa bahay. Siya yung madalas magdala ng pasalubong sa pag-uwi.

            Si ate/kuya/panganay/breadwinner ang magaling sa klase. Tinitiis niyang magpuyat upang mapag-aralan ang mga dapat aralin bago ang exam. Siya yung laging katabi ng pitsel ng kape sa madaling araw. Teacher’s pet kung tawagin ng mga kaklaseng hindi nakakaintindi kung bakit siya hinahangaan ng mga guro. Siya yung nasa honor roll hindi dahil gusto lang niyang laging nakapaskil ang pangalan niya sa bulletin board kundi alam niyang ang pagpupursige niya sa pag-aaral ang magsisilbing investment niya para matanggap agad sa trabaho kapag dumating ang panahong kailangan na niyang kumita.

            Si ate/kuya/panganay/breadwinner ang tutor ng mga nakababatang kapatid. Siya ang role model. Siya ang tinitingala.

            Si ate/kuya/panganay/breadwinner ang tahimik kung umiyak. Siya yung ayaw malaman ng iba na nakakaramdam siya ng lungkot, ng pagod at ng kahinaan kasi gusto niya laging masaya ang mga taong nasa paligid niya.

            Si ate/kuya/panganay/breadwinner ay dapat masunurin sa mga magulang, matalinong estudyante at responsableng kapatid.

            Kailangan niyang magkaroon ng medal. Kailangan siyang makapagtapos. Kailangan niyang matanggap agad sa trabaho pagkagradweyt. Kailangan niyang pasayahin ang pamilya.

            Kailangan niyang maging mabuting halimbawa sa mga kapatid para sila din ay mahikayat mag-aral ng mabuti, grumadweyt at makahanap ng trabaho.

            Si ate/kuya/panganay/breadwinner ang nagsisilbing susi sa tagumpay ng buong pamilya. Siya ang laging tinitingala ng mga kapatid kaya dapat siyang umayos at maging mabuting halimbawa hanggang makatapos silang lahat at makahanap din ng trabaho. Siya ang madalas asahan ng mga magulang kaya dapat siya laging maging matatag.

            Kudos sa lahat ng ate/kuya/panganay/breadwinner. Bilib ako sa inyo!

            Isang pasasalamat.

Posted by adventurousscribe at 10:04 am | permalink | Add comment